ALIAGA, Nueva Ecija - Hindi na nakadalo sa preliminary hearing sa Nueva Ecija Provincial Fiscal’s Office ang isang 64-anyos na magsasaka na may kaso sa usapin sa lupa makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Barangay La Purisima sa bayang ito, kamakalawa.

Sa ulat ng Aliaga Police kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, nakilala ang biktimang si Reynaldo Duque y Ventura, may asawa, ng Barangay Nagpandayan, Guimba, Nueva Ecija na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa mukha at naging sanhi ng dagliang kamatayan nito.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Severino Alarcon, dakong 12:30 ng tanghali, at sakay ng kolong-kolong ang biktima kasama ang asawang si Veronia Ignacio, 53, at anak na si Christian Duque, 27, at binabagtas ang Aliaga-Guimba Road ng La Purisima nang dumikit ang isang motorsiklong walang plaka at malapitang binaril ang biktima.
National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM