Arestado ang isang dayuhan nang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang tindahan ng mga pekeng dietary supplement sa Sta. Cruz sa Maynila.

Kinilala ng mga pulis ang may-ari ng Sunshine Enterprise na si Victor Young, isang dayuhan.

Ayon kay Special Investigator Erwin Buenaventura, pinagplanuhan nila ang pagsalakay, sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila RTC Branch 46.

Si Young ay nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Section 155 ng RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20