SEOUL, South Korea (AP) - Mabuti na ang kondisyon ni U.S. Ambassador to South Korea Mark Lippert matapos hiwain ang kanyang mukha at pulso ng isang lalaki gamit ang 10-pulgadang kutsilyo habang sumisigaw na dapat maging isa ang magkaaway na Korea, ayon sa South Korean police at mga opisyal ng Amerika.

Makikita sa naglabasang larawan ang natulalang si Lippert habang nakatitig sa duguang kaliwa niyang kamay at sapo naman ng kanang kamay ang hiwa sa kanyang mukha, ang kanyang pink necktie ay may mga tilamsik ng dugo.

Nangyari ang pag-atake sa isang performing arts center sa Seoul habang naghahanda ang ambassador sa isang talakayan tungkol sa kapayapaan sa nahahating Korean Peninsula.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20