Inilipat na kahapon sa isang pribadong kuwarto buhat sa intensive care unit ng Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City si Cavite Vice Governor Jolo Revilla dahil sa kumplikasyong pulmonya matapos aksidente umanong mabaril ang sarili sa Ayala-Alabang Village noong Linggo ng umaga.

Ayon sa tagapagsalita ng pamilya Revilla na si Atty. Raymond Fortun, delikadong manatili si Jolo sa ICU sapagkat mahina ang pangangatawan nito na maaaring makuha ang iba’t ibang mikrobyo sa pasilidad.

Paliwanag ng abogado, nakuha ni Jolo ang kumplikasyon sa pneumonia sa ibang bahagi ng kaliwang baga at nagkaroon pa ng hangin sa bandang itaas nito.

Patuloy naman itong minomonitor ang kalagayan ni Jolo ng mga doktor, partikular ang acute abdominal distension o paglaki ng tiyan ng bise gobernador.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Aniya, Martes ng gabi sumailalim sa ikatlong CT scan ang vice governor at iniulat na bumubuti na ang kondisyon nito batay sa resulta ng mga medical test.

Noong Sabado, dinala sa ICU si Jolo matapos aksidente umanong mabaril ang kanang dibdib habang nililinis ang kanyang .40 caliber Glock pistol sa kanilang bahay sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.

Samantala, hiniling naman ng Muntinlupa City Police na sumailalim sa paraffin test ang vice-governor bilang bahagi sa isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung may foul play insidente.