Upang maiwasan ang mga pagkakamali ng iyong kabataan, makinig ka sa payo ng mga nakatatanda. Kahit inaakala mong marami ka nang alam sa buhay, mas mainam pa rin ang sumangguni sa nakatatanda.
Kahit matanda na ako at gumagawa ng sarili kong mga desisyon, humihingi pa rin ako ng payo sa mga nakatatanda sa akin sapagkat marami na silang pinagdaanan sa buhay, mas marami silang nalalaman, at mas malawak ang kanilang karanasan. Sumasangguni ako sa aking mga magulang kapag may malaki akong desisyon na gagawin; upang matiyak na tama ito. Sa kanila ko rin nalalaman kung bakit hindi magiging matagampay kung sakaling ipatupad ko ang aking napagpasyahan. Kapag taglay ko ang kanilang payo, bunga ng malawak nilang karunungan, pakiramdam ko ay nakasandal ako sa matibay na pader.
Gayundin naman ang aking mga anak sa akin. Sa tuwing may problema sila na tila hindi nila kayang resolbahin, lagi silang sumasangguni sa akin.
Gayon din naman si Moises nang mangailangan siya ng payo mula sa kanyang ama na si Jethro. Sa pagmamasid ni Jethro, waring napapagod na si Moises sa pagsisikap na gawin ang lahat ng tungkulin ng pagiging husgado para sa mga anak ng Israel. Kaya sinabi niya kay Moises: “Masyado nang mabigat ang trabaho mo; hindi mo na iyon kayang mag-isa”. Madali naman para kay Moises na sabihin sa kanyang ama na “Alam mo, ‘Tay, ako po ang in-charge dito. Alam ko po ang ginagawa ko. May natutuhan naman po ako sa buhay.” Sa halpi, nakinig siya sa kanyang ama at hinati ang trabaho tulad ng iminungkahi ni Jethro. Kaya naging magaan ang lahat ng gawain at napangasiwaan niya nang maayos ang kanyang trabaho at panahon.
Sapagkat mainam ang plano ng dakilang Diyos, pinagkalooban Niya ang bawat isa sa atin ng makapangyarihan at pinamumuhatan ng talino – ang mga nakatatanda sa ating buhay. Huwag nating iwaglit ang kanilang pananaw, mungkahi, at payo. Marami tayong matututuhan sa kanila.