Isang proseso ang isinasagawa ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang malaman ang performance ng mga accredited field engineer na nakatalagang mangasiwa sa mga proyektong imprastraktura ng kagawaran.

Inatasan ni Public Works Secretary Rogelio Singson ang Accreditation Committee for Field Engineers upang masuri ang lahat ng DPWH field engineer at matukoy ang mga taong may kakayahan o nangangailangan ng pagbabago sa kanilang mga teknikal na kaalaman.

Ang komite ang siyang responsible sa pagpaplano at titiyak sa pagpapatupad ng isang komprehensibong programa ng pagsasanay para sa field engineer na nangangailangan ng pagbabago o nagnanais magsilbi bilang field engineer.

Sa bilang ng DPWH accredited field engineers na bumaba sa 2,327 noong December 2014 mula sa 4,686 kabuuang accredited o bumagsak ng 50% simula noong 1998 dahil na rin sa pagreretiro o nag-avail ng Rationalization Plan, ang komite ay dapat ding magtrabaho para sa pag-unlad ng mga sistema para sa mga bagong akreditasyon, pinili, at pagtatalaga ng mga engineer sa proyekto.

National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!

Sa kabuuang accredited 2,327 field engineer, 749 dito ay mga Project Engineer III, na may hawak na mga proyekto na walang limitasyon sa gastos; 505 ang Project Engineer II, na may hawak na proyekto na hindi hihigit sa P50 million; 558 engineer ang Project Engineer I, na may hawak na proyekto na hindi hihigit sa P20 million; at ang natitirang 459 mga Project Inspector I.

Upang matiyak ang kalidad ng proyekto, tanging kuwalipikado lamang at karampatang mga engineer na nabigyan ng Certificate of Accreditation na siyang nagbibigay sa kanila ng karapatan na mangasiwa ng mga proyekto. - Mina Navarro