TOKYO (AP) – Binawi na ng North Korea ang ilang restrictions sa foreign travel na ipinatupad noong nakaraang taon sa pag-iwas na makapasok ang Ebola sa nasabing bansa.
Isinara ng isolated na bansa sa mga dayuhan ang mga hangganan nito noong Oktubre, pinigil ang hindi mahahalagang visa at inobliga ang mga dayuhan na sumailalim sa tatlong-linggong quarantine. Ipinatupad ito sa mga diplomat, NGO workers, pati na rin sa matataas na opisyal ng bansa na nagbiyahe.