LEGAZPI CITY, Albay – Bagamat mistulang kalmado sa ngayon ang Bulkang Mayon, nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa publiko na huwag pakasisiguro at manatiling alerto sa posibilidad na sumabog ang bulkan.

Sinabi ni Eduardo Laguerta, resident volcanologist ng Phivolcs, sa may akda na bagamat ibinaba na nila ang alert level sa 2 mula sa 3 nitong Disyembre 19, 2014, ay may posibilidad pa ring sumabog ang bulkan.

Aniya, base sa kanilang monitoring ay tanging ang seismic record at gas emission ng bulkan ang nagbalik sa normal, pero ang geodetic measurement ay masyadong mataas na nangangahulugang patuloy ang pamamaga sa ilalim ng Mayon. - Niño N. Luces

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara