Sa maraming paraan tanyag ang Marso sa ating bansa. Ito ang una sa mga buwan ng summer, kung kailan magsisimulang tumaas ang temperatura. Sa Marso 21, ang Vernal Equinox, ang haba ng araw ay kapantay ng haba ng gabi, ito ang transisyon sa summer.

Pagkatapos ng ilang linggo ng eskuwela, magsisimula na ang summer vacation sa Abril. Para sa nakararaming mamamayan, nangangahulugan ito ng pagbibiyahe sa mga probinsiya, pagtungo sa mga beach at mga mountain resort upang takasan ang matinding init ng summer ng Pilipinas.

Malabang dahil sa init, ang Marso ang pinakalantad na buwan sa sunog sa bansang ito. Maraming bahay na ang naabo kamakailan sa Metro Manila. Nagsimula ang buwan sa sunog sa Pasig at Quezon City, sinundan sa sumunod na araw ng isang sunog sa Parañaque at isa pa sa Manila.

Pangunahing dahilan ng mga sunog sa summer ay kapabayaan, kaya naman idineklara ng gobyerno noong 1967 ang Marso bilang Fire Prevention Month sa pag-asang mas magiging alerto ang mga mamamayan sa mga karaniwang dahilan ng sunog at gumawa ng paraan upang maiwasan ito.

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator

Sa mga lungsod at lalawigan, ang karaniwang dahilan ng mga sunog ay ang palpak na instalasyon ng kawad ng kuryente. Kaya ang pangunahaing hakbang upang maiwasan ang sunog ay ang angkop na maintenance ng mga koneksiyon ng kuryente at iwasan ang overloading ng mga circuits, kabilang ang mga babala laban sa pag-iiwan ng mga kandilang may sindi na malapit sa kurtina at ang pagkalimot sa sigarilyong may ningas pa sa ashtray.

Marso – dahil muli sa init ng summer – ay buwan din ng mga brownout, nagbabala noon ang Department of Energy na kung hindi bibigyan ng Kongreso ang Pangulo ng emergency powers, magkakaroon ng isang major power shortage sa bansa ngayong summer.

Ang init, sunog at mga power shortage – ang mga tatak ng Marso at summer. Habang tinitiis natin ang taunang pagpapahirap na iyo, tumalima tayo sa lahat ng panawagang mag-ingat upang hindi tayo malagay sa panganib ng sunog. Panatilihihin din natin sa ating mga tahanan at opisinal ang mababang pagkonsumo ng kuryente upang maibsan ang problema sa power shortage.

Idalangin natin ang pagdating ng ulan. Sa huling linggo iyon ng Mayo, sa pagtatapos ng summer at pagsisimula ng tag-ulan. May dala ring problema ang tag-ulan sa anyho ng baha t bagyo. Ngunit ito ang lagay ng panahon sa Pilipinas, ano mang hirap ang ating suungin, wala rin naman tayong magagawa. Maging handa na lamang tayo sa kahit na anong mangyari.