MAY teaser na ang Your Face Sounds Familiar, ang bagong show ng ABS-CBN na papalit sa The Voice Philippines, pero ang host na si Billy Crawford pa lang ang ipinakita. Hindi pa ipinakita ang three judges na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Jed Madela at Toni Gonzaga.

Hindi pa rin ipinapakita ang eight celebrity contestants, pero ang dinig namin, ang dalawa sa kanila ay sina Jolina Magdangal at Edgar Allan Guzman. Gagayahin nila at ibang celebrity contestants ang mga iconic singer at malaki ang laban ng dalawa.

Kayang-kaya ni Edgar gayahin ang kahit sino pati female singers dahil sanay siyang mag-ayos babae. Hindi rin pahuhuli si Jolina na noong kabataan, kilala sa  iba’t ibang kikay na image.

Tambak ang celebrities na kasali sa bagong show ng Dos. Hindi na kataka-taka kung mataas na naman ang makuhang ratings nito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa March  14 ang sinabing premiere telecast ng Your Face Sounds Familiar. –Nitz Miralles