Tatlong taon ang nakalipas makaraang malagay sa alanganin ang liderato ng Senado dahil sa umano’y kahina-hinalang pamamahagi ng operational funds, muling kinuwestiyon ang mataas na kapulungan sa kaparehong kaso ng paglalaan ng alokasyon para sa mga miyembro nito.

Ibinunyag ng Commission on Audit (COA) na sa kabila ng mga pagbabago sa pamunuan ng Senado, na dapat ay nagpatupad ng mas maigting na disbursement guidelines para sa cash advances, ay patuloy pa ring nalalabag ang mga patakarang gaya nito.

Ang pagkakaloob ng cash advances ay accounted ng iba’t ibang senador na tumanggap ng nasabing pera, at nagresulta ito sa nonliquidation ng kabuuang P252.604 milyon na “maintenance and operating expenses” (MOOE) noong 2013.

Sa kalalabas lang na audit report, ibinunyag ng COA na ang paglalabas ng cash advances para sa MOOE sa kabila ng kabiguang ma-liquidate ang mga naunang disbursements ay ipinagbabawal sa Senate rules

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

Sinabi ng COA na ang nasabing patakaran, na alinsunod din sa COA Circular 97-002, ay ipinatupad ng Senado kasunod ng pagpapalit ng liderato nito noong 2013.

Matatandaang bago naluklok sa puwesto si Senate President Franklin Drilon ay napagitna na ang liderato ng hinalinhan niyang si Senator Juan Ponce Enrile sa kontrobersiya kaugnay ng umano’y pamumudmod ng huli ng MOOE funds sa ilang senador. (Ben Rosario)