Sa loob ng ilang linggo na, isinasagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang kampanya laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao at sa North Cotabato. Tulad ng iba pang mga engkuwentro sa Mindanao, mahirap madetermina ang aktuwal na bilang ng mga namatay ngunit may 2,000 residente ang puwersahang lumikas mula sa kanilang mga tahanan at nasa mga evacuation center ngayon.

Ang BIFF ay isang grupo na humiwalay sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos pumasok ang huli sa isang ceasefire agreement sa AFP. Isinusulong nito ang isang independent state para sa mga Moro sa Mindanao at tumututol sa peace agreement nt MILF sa gobyerno ng Pilipinas. Sa teritoryong kontrolado ng BIFF nagtatago ang Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan nang salakayin ng PNP Special Action Force (SAF) upang arestuhin ito noong Enero 25. Napatay si Marwan sa operasyon ngunit 44 SAF commando ang napatay ng mga tauhan ng MILF at BIFF.

Nagpapatuloy ang ceasefire sa MILF, habang nag-iimbestiga naman ang iba’t ibang lupon ng gobyerno sa pagpaslang sa SAF 44. Ngunit naninindigan ang BIFF laban sa kahit na anong peace agreement sa pamahalaan, idineklarang hindi nila isasauli ang mga sandata ng tauhan ng SAF. Kaya naglunsad ng opensiba ang AFP.

Kailangang mabatid na ang BIFF ang tanging Moro rebel group na humamon sa gobyerno. Maraming taon na ang nakalilipas, mayroong Moro National Liberation Front (MNLF). Matapos itong lumagda sa isang peace agreement noong 1976, na nauwi sa pagtatatag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), isang maliit na grupo ang bumuo ng MILF. Ngayong magtatatag ng isang Bangsamoro political entity ang MILF, humiwalay ang BIFF sa MILF.

National

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara

Naiulat na nagkahati-hati ang BIFF sa tatlong paksiyon. Ang isa roon ay ang Saifullah, na nganganhulugan ng “Sword of God” sa Arabo. At ang isa pa ay ang Abu Sayyaf, na bandidong grupo ng armed forces ngunit lumilitaw na may sarili itong tagasunod mula sa mga mamamayan ng Muslim Mindanao.

Kitang-kita na ang problema ng Mindanao ay mas malalim at mas komplikado kaysa hitsura nito. Nabibilang ang mamamayang Muslim sa iba’t ibang grupo – ang mga Tausug, ang mga Maranao, ang mga Maguindanao, halimbawa. Sa kasaysayan, nilabanan nila ang lahat ng banyagang kolonista, noon pang panahon ni Rajah Sulayman sa Maynila. May nakapagsabi na inimbento ng mga Amerikano ang .45 caliber pistol dahil ang kanilang ordinaryong sandata ay hindi makapagpahinto sa mga Moro.

Ngayon, nakahanda na ang gobyerno na makipagmabutihan sa MILF at aprubahan ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ngunit ang kasunduang ito ay sa MILF lamang. Paano na ang MNLF, Abu Sayyaf, ang BIFF, at ngayon ang mga bagong paksiyon na pinamumunuan ng Saifullah? Marami ang nagsasabi na ang taglay ng Bangsamoro political entity ang ating pag-asa upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao. Sa maigsing panahon, siguro. Sa pangmatagalan, kailangang magkaroon ang gobyerno ng mas malalim mas ingklusibo, mas komprehensibong solusyon kaysa nakita na.