Nagtala ng 30 puntos si dating Arellano University (AU) standout Levi Hernandez upang pangunahan ang Pampanga Foton Tornadoes, 97-82, panalo kontra sa Quezon City-University of the Philippines (UP) Diliman sa pagpapatuloy ng Filsports Basketball Association (FBA) ni Commissioner Vince Hizon at President LJ Serrano noong Sabado sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos, Bulacan.

Kasalukuyang ginagabayan ng dating PBA import na si Joe Ward, namuno naman sa Fighting Maroons si Christian Dave Moralde na nagposte ng 18 puntos, 4 rebounds, 3 steals, at 3 assists.

Sa isa pang laro, naungusan naman ng host Malolos Mighty Bulacan State University ang Antipolo Pilgrims, 98-96, sa overtime.

Isang buzzer-beater basket ni Ernest Reyes ang nag-angat sa host team kontra sa kanilang katunggali.

SP Chiz, nanindigang walang isinukong soberanya ang bansa sa pagkaaresto kay FPRRD

Tinapos ni Reyes ang laban na may double- double 19 puntos, 10 rebounds, 3 blocks, at 2 assists kasunod ng top scorer na si Mark Montuano na may 28 puntos. Namuno naman sa losing cause ng Antipolo si Dominic Fajardo na may game high na 41 puntos.

Ang FBA ang pinakabagong amateur at grassroots league na tumutulong para lalo pang maisulong ang developmental basketball sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.