Naglabas ng babala ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa publiko laban sa pakikitungo sa mga pekeng recruitment agency na pinangangasiwaan bilang immigration services provider pero iniulat na nanloloko sa mga naghahanap ng trabaho, kabilang na sa mga Pilipino.

Ang kumpanya na kilala sa Pilipinas, lalo na sa Cebu, bilang ICS Global Visas, Inc., ay isinara ng National Bureau of Investigation (NBI), matapos mapaulat na daan-daan, kung hindi man libu-libong job applicant mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang bigong makapagtrabaho sa ibang bansa, gaya ng ipinangako ng kumpanya.

“Global Visas was in the limelight this week, following its reported ‘collapse’. It had victims here in the Philippines, particularly in Luzon, Cebu and Mindanao,” sabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Ayon sa ulat ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Regional Extension Unit No. 7, kinasuhan na ng illegal recruitment at estafa ang kumpanya sa Cebu. - Mina Navarro
Metro

Karagdagang bus at libreng sakay, ipatutupad kasabay ng transport strike