Halos nagkakaroon na ng linaw ang hinahangad na pagpapatayo ng makabagong National Training Center matapos ang isinagawang inspeksiyon at pagsasadetalye kahapon sa mga susunod na hakbangin ng mga opisyal ng senado, kongreso, Clark International Airport Corporation (CIAC), Bases Conversion Development Authority (BCDA), Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC).

Magkasamang tiningnan nina House Committee on Sports and Youth Development Chairman Anthony del Rosario at Vice-Chairman Pampanga Rep. Joseller “Yeng’ Guiao, POC president Jose Cojuangco, PSC Chairman Richie Garcia at Office of Senator Edgardo Angara Executive Assistant Felizardo Colambo ang dalawang lupain na posibleng pagtayuan ng modernong pasilidad.

Unang sinilip ang 50 ektaryang lupain na iniaalok ng CIAC na nasa loob mismo ng Clark habang ikalawang pinuntahan ang lupain na iniaalok ng BCDA na may kabuuang 34 ektarya na nasa Capaz, Tarlac.

Inihayag mismo ni Cojuangco at Garcia ang matinding interes na maitayo ang pasilidad sa CIAC dahil na rin sa “accessibility” habang may problema naman na tulad ng mga ancestral domain at compensation na hinihingi ng mahigit na 2,000 pamilya na nakatira sa lugar na pag-aari ng BCDA.

National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'

Gayunman, hiniling din nina Cojuangco at Garcia na mabigyan ng prayoridad at mapasakamay ang pamamahala sa dalawang lupain na una ay ang CIAC para sa immediate plan habang ang pag-aari ng BCDA para naman sa long term development at pagpapalawak ng sports sa darating na panahon.

“We just want to explain to everybody the importance of a conducive national training center for the success of our athletes that is why we are pursuing this,” pahayag ni Garcia.

“We want to tell this body that we are very much interested in the property of CIAC,” dagdag pa ni Garcia.

“We don’t want to look like greedy but it will be good to have a sports facility on immediate plan and to develop a sports complex within a residential area that is good for the community,” giit pa ni Garcia.

Pinag-usapan din ang mahahalagang detalye matapos isagawa ang inspeksiyon kasama naman si CIAC president at CEO Emigdio Tanjuatco III kung saan ay napagtuunan ng pansin ang operasyon ng airport, ang transportasyon at ang posibleng kaharaping problema sa pagpapatayo ng pasilidad.

Optimistiko naman sina Del Rosario at Guiao na tutulungan sila ng senado upang maipasa ang isinumiteng batas upang makumpleto ang paghahanap ng gagamitining pondo para sa itatayong National Training Center.

“This is for national interest,” ayon kay Guiao.

“We feel that there is really a great need for us to have a new and modern sports complex for our athletes and other sports stakesholder,” pagtatapos ni Guiao.