Dedesisyunan na ng Sandiganbayan ang mosyong isinampa ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na humihiling ng tatlong-oras na furlough upang mabisita sa ospital ang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, na nagtamo ng sugat sa dibdib makaraang aksidente umanong mabaril ang sarili noong Pebrero 28.

Ang naturang urgent motion ay pormal na iniharap kahapon sa anti-graft court ng mga abogado ng senador.

Binanggit ng senador sa kanyang mosyon na nais lang niyang masiguro na ligtas at stable na ang kalagayan ng anak sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City.

“[Senator] Revilla, himself shocked about this very unfortunate incident, feels helpless and distraught about this serious threat to the life of his son, Jolo. Revilla—as any father would feel—bears that it is his obligation to visit his son to ensure that he is already safe and in a stable medical condition and to spend a few minutes with him to provide support and assurance in this life-threatening situation,” saad sa mosyon ng mambabatas.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

Nauna nang lumabas ang balita na nagtangkang magpakamatay ang bise gobernador nitong Sabado, pero agad itong itinanggi ng abogado ni Revilla na si Atty. Ramund Fortun, na nagsabing aksidenteng nabaril ni Jolo ang sarili habang nililinis nito ang sariling baril.

Nakapiit ang senador sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City dahil sa pagkakadawit sa kasong plunder at graft kaugnay ng “pork barrel” fund scam.