Drew-Arellano

SAMAHAN si Drew Arellano na silipin ang taunang Panagbenga Festival at iba pang kuwento at adventures ngayong Linggo sa award-winning informative show na Aha! sa GMA-7.

Ngayong linggo na gaganapin ang grand float parade ng Panagbenga Festival, ang taunang flower festival sa Baguio na itinatag noong 1996 bilang pasimbolo sa ‘rebirth’ o ‘blossoming’ ng Baguio matapos ang Luzon earthquake noong 1990. Alamin sa Aha! kung anu-ano ang mga paghahanda para magawa ang mga dambuhalang floral float na ipinaparada rito. 

Tampok din sa Aha! ang tagisan ng Pinoy superheroes sa isang bagong ballet-musical; ang nakamamanghang astronomy show sa isang planetarium sa UP; at ang latest update sa Project Mars, isang one-way trip sa Red Planet na naglalayong bumuo ng human colony doon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

At dahil nalalapit na ang summer vacation, samahan ang Aha! na subukan ang bike zipline, Australian rundown, giant swing at iba pang adrenaline-pumping adventure na matatagpuan sa Pugad Pugo Adventure sa Pugo, La Union.

Tuklasin ang iba’t ibang kaalaman sa Aha! kasama si Drew Arellano ngayong Linggo, 9 AM, sa GMA-7.