Sinamantala ng De La Salle University (DLSU) ang mga pagkakamali ng defending champion Ateneo sa simula ng laban para maiposte ang 14-12 panalo at maangkin ang second finals slot sa UAAP Season 77 baseball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nakapagtala ang Green Batters ng pitong run na bentahe sanhi ng throwing errors ng Blue Eagles sa first inning.

At nang nagbabanta na ang Ateneo na mahatak ang laban sa ilalim ng ninth inning, sumandig ang La Salle sa pitcher na si Carlos Munoz na siyang pumalit sa starting pitcher na si Carly Laurel matapos ang 8th inning upang mapreserba ang panalo.

“I just told our pitcher na one out at a time, huwag ma-pressure. Kahit umiskor sila ng paisa-isa, ang importante eh ma-hold namin ‘yung outs nila,” ayon kay Green Batters coach Joseph Orillana.

National

Atom Araullo, panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz

Dahil dito, naitala ng La Salle ang kanilang ikaanim na panalo sa siyam na mga laro para maitakda ang tapatan nila ng Blue Eagles na may barahang 7-3 (panalo-talo) sa best of three finals series.

Target ng Green Batters na maipaghiganti ang kanilang natamong finals loss sa Eagles noong nakaraang season sa pagsisimula ng kanilang duwelo sa Marso 5.

“Maganda ‘yung comeback namin sa second round at nagtuluy-tuloy ang panalo, so ‘yung momentum nasa amin,” ani Orillana. “Mas maganda ang labanan ngayon sa pitchers. Kung maganda ang pitching namin, mas maho-hold ang hitting nila (Ateneo).”

Dahil din sa panalo ng La Salle, natapos din ang pag-asa ng University of the Philippines (UP) na makapasok sa finals.