Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. – NU vs UST (m)

4 p.m. NU vs. FEU (w)

Makamit ang karapatang harapin ang second seed na La Salle para sa huling finals berth ang pag-aagawan ngayon ng Far Eastern University (FEU) at 3rd seed National University (NU) sa pagsisimula ng stepladder semifinals sa women’s division ng UAAP Season 77 volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Sa ganap na alas-4:00 ng hapon lalarga ang knockout match ng Lady Tamaraws at Lady Bulldogs matapos ang do-or-die game sa pagitan ng defending champion NU at University of Santo Tomas (UST) para sa huling finals slot sa men’s division sa alas-2:00 ng hapon.

Umaasa si FEU coach Shaq delos Santos na madadala nila ang momentum matapos ang naitalang 5 sets win nila kontra sa UST Tigresses para sa playoff sa fourth spot, ang ikatlong playoffs na nagawa nilang malusutan ngayong season.

“NU, alam natin na malalaki sila at malakas ding kalaban pero sana gumana ulit ang depensa namin lalo na kay Jaja ( Santiago),” ani Delos Santos.

Para naman sa Lady Bulldogs, inaasahan namang gagana ang tinatawag na “magic touch” ng kanilang multi-titled coach na si Roger Gorayeb upang makahakbang palapit sa finals.

Samantala, sa unang laro, pag-aagawan naman ng Bulldogs at Tigers ang karapatang makasagupa ang nauna ng finalist na Ateneo.

Nagawang burahin ng Bulldogs ang twice-to-beat advantage ng Tigers nang gapiin nila ang huli noong nakaraang Miyerkules.

Kumpiyansa ang NU na makakaya nilang makabalik sa kampeonato upang maipagtanggol ang hawak na titulo sa nakalipas na dalawang taon.

“Iyong UST matagal na nawala sa Final Four kaya sobrang advantage kami (sa experience),” ayon kay NU coach Dante Alinsunurin.

Nawalan ng saysay ang all time high score na 37 puntos ni Mark Gil Alfafara sa naturang laro dahil sa kakulangan ng sapat na suporta mula sa kanyang mga kakampi, taliwas sa NU kung saan limang manlalaro ang umiskor ng double figures.