Si Radwanska, na natalo sa kanilang unang dalawang pagkikita, kabilang ang Indian Wells final noong Marso sa nakaraang taon, ay 11 puntos sa kanyang pitong service games. Na-break ng Polish player ang serve ng kanyang kalaban ng limang ulit sa larong tumagal lamang ng 49 minuto.

‘’For sure I wouldn’t tell it was going to be that quick,’’ sabi ni Radwanska. ‘’I think I really played great tennis today. I was really aggressive and focused from the beginning and that worked until the end.’’

Si Radwanska, na natalo kay Williams sa fourth round ng Australian Open noong nakaraang buwan, ay kakaharapin siyang muli ngayon.

‘’I think it’s going to be very good match for revenge,’’ sabi ni Radwanska. ‘’She definitely had a great season last year and a very good beginning of the year. I think playing Venus is always a really good challenge.’’

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Makakatapat naman ni top-seeded Petra Kvitova ng Czech Republic ang third-seeded na si Caroline Wozniacki para sa isang puwesto sa semifinals matapos ang kanilang laban ay matapos ng maaga.

Tangan ni Kvitov ang 6-3, 1-1 na abante laban kay Jelena Jankovic nang magretiro ang kanyang kalaban, habang si Wozniacki ng Denmark ay lamang sa 6-1, 3-0, nang mag-withdraw naman ang Romanian qualifier na si Alexandra Dulgheru.

Umabante rin si Lucie Safarova nang kanyang talunin ang fifth-seeded na si Ekaterina Makarova, 6-2, 6-7 (5), 6-3)