SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Isinasagawa ng pamahalaang lungsod ng San Jose ang kabi-kabilang libreng birth registration kaugnay ng pagdiriwang ng Civil Registration Month ngayong Pebrero.

Ayon kay Local Civil Registrar Virginia Veneracion, walang dapat alalahanin ang mga taga-San Jose dahil mismong ang pamahalaang lungsod ang lalapit sa mga residente para maserbisyuhan ang mga ito.

Lilibutin ng Local Civil Registrar ang Sitio Saranay sa Barangay Sto. Niño 3rd, Sitio Pacac sa Bgy. Abar 2nd, Sitio Palasapas sa Bgy. Manicia at Sitio Lomboy sa Bgy. Tayabo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20