Xian-Lim

KUNG meron mang nagalit kay Xian Lim dahil sa kontrobersiyang nilikha niya lately ay meron din namang kumampi sa kanya at nagalit naman kay Albay Governor Joey Salceda.

Siyempre, kakampi kay Xian ang loyal fans nila ni Kim Chiu pero meron din namang hindi fan ng aktor na galit na galit kay Salceda.

“Gamit na gamit ni Salceda si Xian. Kumbaga, siya itong walang tigil sa pagpapainterbyu tungkol sa isyu para lang maidikdik sa isyu si Xian,” sey ng isang tagapagtanggol ni Xian.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Isa pang taga-showbiz na ayaw magpabanggit ng pangalan ang hindi rin pabor sa ginawa ng aktor pero naasar din kay Gov. Salceda.

“Ang alam ko, eh, cum laude raw ng Ateneo si Gov. Salceda pero he is not using what he had learned in school,”say nito. “Bago siya nag-post sa Facebook ng ginawa raw ni Xian, dapat kinausap muna niya nang personal ang aktor. He should have talked to Xian Lim personally and clear things. What he did was an act of bullying.”

Tila nagamit daw si Xian sa kagustuhan ng governor na mai-promote ang probinsiya ng Albay.

Pero tinanggap na nga ni gobernador ang apology ni Xian last weekend pa kaya naayos na ang gusot.

Pero isa namang kasamahan sa panulat ang nagkomento na hindi na raw bago sa mga taga-showbiz ugali ng aktor.

“Kasi hindi na bago ‘yang ugali ni Xian. Eh, baka nagulat lang talaga sila sa Albay sa hindi magandang asal niya. ‘Buti nga pinatawad pa, kahit marami naman ang nagkokomento sa interview sa The Buzz na nagsisinungaling si Xian,” sey pa niya.

May mga katoto nga rin kami na nag-post sa social media na bagsak daw ang acting ni Xian sa nasabing interview. Hindi raw convincing.

Binanggit din ng isang beteranong manunulat na malaking aral ang dapat matutuhan ni Xian Lim mula sa pinakahuling kontrobersiyang kinasangkutan niya. Dahil hindi raw sa lahat ng panahon ay kailangan siyang saluhin ng Star Magic.

“Hindi puwedeng tuwing may ginagawa siyang ganyan, eh, agad nang magbubuo ng damage control ang kanyang network, hindi sa lahat ng pagkakataon, eh, may maglilinis ng kanyang pangalan,” sey pa sa amin ng respetadong movie writer.