MOSCOW (AP)– Pumirma ang dating NBA All-Star na si Andrei Kirilenko sa CSKA Moscow sa Russia matapos mai-waive ng Philadelphia 76ers.

Si Kirilenko ay huling naglaro noong Nobyembre 13 para sa Brooklyn Nets bago nai-trade sa 76ers, na nag-waive sa kanya matapos ang trade deadline noong nakaraang linggo.

Sinabi niya sa isang statement, sa edad na 34, ‘’the time has come to think about ending my career at the professional level’’ at nais niya itong gawin sa CSKA.

Inilahad ng CSKA na ang kanyang kontrata ay tatakbo hanggang sa pagtatapos ng season.

National

Paalala ng DOH: Maghinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong holidays!

Nagbalik si Kirilenko sa Russia ng isang beses noon, ginugol ang 2011-12 season sa CSKA matapos lisanin ang Utah Jazz, bagamat nagbalik siya sa NBA upang maglaro para sa Minnesota Timberwolves.

Si Kirilenko ay naglaro sa pitong laban nitong season para sa Nets at nag-average ng 5.1 minuto at 0.4 puntos.