Judy-Ann-Santos-copy

MUKHANG may tampo si Judy Ann Santos sa ABS-CBN management kaya ayaw niya munang makipag-usap tungkol sa upcoming teleserye nila ni Richard Yap aka Papa Chen/Sir Chief.

In-announce ni Richard na magkakaroon sila ng serye ni Juday sa Chinese New Year celebration niya para sa entertainment press last weekend.

Ang nasabing tampo ng aktres ay nag-ugat sa game show niyang Bet On Your Baby na hindi man lang siya sinabihan kung ilang season o ilang buwan eere at nagulat na lang daw si Judy Ann nang biglang sinabing last taping day na nila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang buong kuwento sa amin ng taong malapit sa aktres, “Si Juday kasi ang kinakausap ng management, dumiretso sa kanya, so walang alam ang manager niyang si Tito A (Alfie Lorenzo).

“Nu’ng nagawa niya ang unang season ng Bet On Your Baby, ang taas ng ratings, kaya sinabihan siya na may season two, pero siyempre magpapahinga muna kasi magpapa-audition pa ng mga bagets.

“Kaya ‘yung I Do reality show muna ang isinunod which is very successful din kaya sinabihan ulit na may second season.”

Totoo naman din na may ikalawang season ang I Do base naman sa sinabi sa amin ng business unit head ng programa na si Ms. Mercy Tolentino-Gonzales pero medyo matatagalan nga lang dahil babaguhin ang mga bahay, mechanics at iba pa.

Kaya isinunod kaagad ang ikalawang season ng Bet On Your Baby na napapanood tuwing Sabado at Linggo hanggang sa naging araw-araw na mula Lunes hanggang Biyernes.

“Dito na nagulat si Juday, kasi alam niya weekend lang ang Bet On Your Baby kaya once a week lang ang taping, ‘tapos biglang naging weekdays na at naging three times a day na ang tapings, so nasira ang schedule nina Juday at Ryan (Agoncillo) sa pag-aalaga sa mga anak nila, kasi by schedule sila sa paghatid at pagsundo sa school.

“Hindi siya kumibo, so dedma, work lang ang lola mo, alam mo naman ‘yun, hindi kumikibo, mabait na empleyado ‘yun, eh. Kung ano ang ipagawa sa kanya, go lang nang go.

“Hanggang sa sinabihan siya na anim na episodes ‘yung iti-tape nila at last taping day na pala ‘yun. Ganu’n lang, walang kaabug-abog na parang pinutol bigla,” kuwento ng aming source.

Sa madaling salita, walang ideya si Judy Ann kung ilang buwan tumakbo ang Bet On Your Baby? Hindi ba ito umabot ng isang season o tatlong buwan o higit pa?

“No idea, kasi si Juday daw ang kausap ng management. Sa pagkakatanda niya wala raw binanggit kung ilang buwan or season, basta sinabing may taping, go naman siya,” paliwanag sa amin.

Kaya tungkol naman sa sinasabing bagong serye ni Juday kasama si Richard ay hindi pa rin nakikipag-usap ang aktres sa management.

“Nabanggit sa kanya na may serye sila ni Sir Chief, pero ayaw makipag-meeting ni Juday kasi masama ang loob niya kaya nakipag-usap siya sa manager niyang si Tito A na siya na ang makikipag-usap sa management.

“All I know, last Friday (February 20) lang nag-usap sina Tito A at Deo (Endrinal) for the TV project of Juday and Richard, hindi pa kumpleto ang casting.

“Pinagsabihan nga ni Tito A si Juday kasi nga sa kanya dumidiretso ang ABS, kaya hindi napaplantsang mabuti ang project, kung nag-stick sila sa kontrata, eh, di siguro walang isyu para ikatampo ni Juday,” pagtatapat sa amin.

So, ano ang ending ng usapan sa project nina Richard Yap at Juday, matutuloy ba o hindi?

“Kailangang mawala ang sama ng loob ni Juday muna kasi paano naman siya magtatrabaho kung hindi pa siya okay at saka naging loyal naman si Juday sa ABS, sana maayos din ang usapan.

“Sana kung anuman ‘yung verbal na usapan ng management at Juday, sana sundin like ‘yung schedule ng tapings, biglang naiba, eh, may mga dapat ding i-consider si Juday sa personal niyang buhay, hands-on mom siya at siya rin nag-aasikaso kay Ryan,” paliwanag sa amin.

Mukhang mahaba-habang usapan ang isyung ito ng ABS-CBN management at ni Judy Ann Santos plus Tito Alfie.