DIego-Loyzaga-copy

SA totoo lang, nang-aagaw-eksena si Diego Loyzaga everytime na ipinapakita ang ka-sweet-an nila ni Liza Soberano sa Forevermore.

Bagamat si Enrique Gil ang leading man ni Liza, maraming viewers ang nakakapansing bagay na bagay si Diego sa pretty 17 year-old Kapamilya star.

Band leader ang ibinigay na role kay Diego at nakadagdag ng interes ang pakikipagpalitan niya ng atensiyon kay Agnes (Liza) na ikinakainis naman ni Zander (Enrique).

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ipinakausap sa amin ng Star Magic people ang anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano at sa totoo lang, sabi ng aming katoto, “He’s amazing in person,” na amin ding sinang-ayunan.

At nang pauwi na kami’y nagbulong pa ng “makalaglag-panty ang appeal,” na ikinatawa namin nang husto.

Nasabi ni Diego na masaya siya sa panibagong big break na ipinagkaloob sa kanya ng Kapamilya network via Forevermore.

“I am super happy to be working with Liza and Enrique because I know them personally even before pa and it makes me more comfortable working with them,” pahayag ng young actor.

Nagpasalamat din siya sa ibinibigay na motivations ng kanyang directors na sina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano.

“Sila ‘yung mga direktor ko who push me more sa mga dapat kong gawin. Although I haven’t had much scenes with the other cast, I feel like I fit in already,” kampante niyang kuwento.

Nagsimulang pumalaot sa showbiz si Diego sa pamamagitan ng seryeng Mara Clara at Growing Up, pairing him off with Julia Montes and Kathryn Bernardo.

Nagkaroon na rin siya ng Wansapanataym at MMK guesting at ngayo’y ramdam ng Kapamilya Network na ready na siya for drama kaya unti-unti na siyang inilalarga.

Bukod sa Forevermore, pinagkakaabalahan din ni Diego ang pagiging veejay. Ini-launch siya kamakailan bilang MYX Celebrity VJ.

“(These are) good venues to showcase his hosting skills. Magaling din siyang kumanta,” sey sa amin ng taga-Star Magic na todo-suporta kay Diego. “Malaki kasi ang potentials niya as host and singer. Slowly but surely, magugulat na lang kayo sa ipapakita ni Diego,” may pagmamalaki pang sabi ng staff ng Star Magic.

Kung oozing ang sex appeal ng binata, oozing with talent din pala si Diego.