Itinanggi noong Linggo ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. ang mga ulat na pumuslit siya mula sa kulungan noong Valentine’s Day at binisita si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, base sa akusasyon ng tatlong state prosecutors.

Sa pahayag na ipinadala ng kanyang kampo sa pamamagitan ng email, sinabi ni Revilla na isinugod siya sa Philippine National Police (PNP) General Hospital makaraang tumaas ang kanyang blood pressure.

“Reports that I was sneaked out by PNP personnel from the Custodial Center are absolutely false,” pahayag ni Revilla.

Una nang napaulat na umalis si Revilla mula sa detention compound noong Valentine’s Day, Pebrero 14, upang bisitahin si Enrile, na may kaarawan ng araw na iyon.

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

Sina Enrile, Revilla at Sen. Jose “Jinggoy” Estrada ay pawang nakakulong sa PNP headquarters dahil sa pagkakasangkot nila sa P10-bilyon pork barrel fund scam.

Dakong 3:00 ng hapon ng nasabing araw, ayon kay Revilla, ay isinugod siya sa PNP General Hospital makaraan niyang magpawis nang malamig, makaramdam ng paninigas at pananakit ng leeg, batok at likod, at matinding migraine attack.

“It appeared that I had a spike in my blood pressure,” aniya. “I was taken to the hospital by Custodial Center Guards after a written request was made to Col. Fabro, the Director of the Custodial Center. I was accompanied by my two children, Bryan and Vice Gov. Jolo,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Revilla na maging ang PNP ay nilinaw na ang isyu.

“I stayed in the hospital for less than 30 minutes and I was immediately taken back to my detention cell to rest, after my blood pressure was taken and injected with medication,” sabi niya.

“It is not true that I was at the hospital to visit Senator Juan Ponce Enrile. I did not go to his room as I did not even know where that was,” diin ni Revilla. - Hannah L. Torregoza