Walong slots na lamang ang hinihintay  upang mapunan ang provincial teams para sa pagdaraos ng 2015 Seaoil NBTC National High School Championships sa Marso 6-8 sa Meralco gym.

Una nang umusad sa national finals, ang event na itinataguyod ng MVP Sports Foundation at nagsisilbing opisyal na grassroots development program Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ang Assumption College ng Davao, Southern City College ng Zamboanga, St. John’s Institute ng Bacolod, St. Roberts International School ng Iloilo, Sacred Heart School-Ateneo de Cebu at Sacred Heart of Jesus Montessori ng Cagayan de Oro.

Sa kabuuan ay 14 na slots pa ang pinaglalabanan, kabilang na ang apat na nakareserba para sa qualifiers na mula sa National Capital Region.

Kamakailan ay nakamit ng defending MMBL cham-pion Chiang Kai Shek College ang unang  NCR slot matapos na muling tanghaling kampeon sa 32nd Metro Manila Basketball League Championship na ginanap sa San Beda gym sa Mendiola.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Kasama ng CKSC Blue Dragons na nakuwalipika ang San Beda Red Cubs, San Beda Team B, at ang  UAAP Juniors champion na Ateneo Blue Eaglets.

“We are truly excited with the forthcoming national finals where we again hope to witness the future of Philippine basketball as they showcase their young talent and skills,” ayon kay NBTC program director Eric Altamirano.