Kris-Aquino

ARAW-ARAW ay may pinaliligaya si Kris Aquino sa kanyang morning show, tulad ng personal na pagbisita niya kay Heidi Almazan na isang kasambahay.

Isa lamang si Heidi sa 14 na mapalad na napili sa mga sumulat kay Kris para makibahagi sa birthday celebration niya.

Hiwalay sa asawang sekyu at may tatlong anak si Heidi na thirteen years nang naninilbihan bilang kasambahay. Hinangaan ni Kris ang katatagan ni Heidi para maigapang at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak. Isa siyang model mom, pakli ni Kris.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Bukod sa pink cake ay namili si Kris ng maraming school supplies bilang pasalubong sa mga anak ni Heidi na pawang nagsisipag-aral. Isang relo naman ang ibinigay niya kay Heidi na marahil up to now ay hindi makapaniwala na nakadaupang-palad niya ang bunsong kapatid ng Pangulo.

May ilang pumupuna sa Queen of All Media lalo na sa sinseridad ng sorpresang pagdalaw niya sa pamilya ni Heidi. So, what else is new? Ang mahalaga ay may mga nilalang na napaligaya si Kris. Bukod sa positibong epekto sa kanyang mga manonood, ito ang kanyang pamamaraan upang maipadama ang love and gratitude na nararamdaman niya para sa lahat ng mga sumusuporta at humahanga sa kanya.

“I am just giving back the love,” mariin niyang sabi.