Pinal na. Mananatiling murder ang kasong kinahaharap ni US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton.

Walang usaping legal na makapipigil sa arraignment ni Pemberton sa Lunes makaraang pinal nang ibasura ng Department of Justice (DoJ) nitong Biyernes ang apela ng sundalong Amerikano na ibaba sa homicide ang kinakaharap na murder kaugnay ng pagpatay sa Pinoy transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude sa Olongapo City noong Oktubre 2014.

Dahil sa kabiguang magprisinta ng “sufficient justification to reverse, alter or modify” ang resolusyon na inisyu noong Enero 27, 2015, ibinasura ni Justice Secretary Leila de Lima ang motion for reconsideration ni Pemberton at kinatigan ang pagkakatukoy ng Office of the City Prosecutor-Olongapo ng probable cause para kasuhan ng murder si Pemberton.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS