DENVER (AP)- Hindi nakita si point guard Ty Lawson sa unang pagsasanay ng Denver Nuggets matapos ang All-Star break at tinitingnan na ni coach Brian Shaw ang rason kung bakit kailangang bigyan ito ng kaparusahan.

Tinanong hinggil sa ‘di pagsipot ni Lawson, ito ang naging tugon ni Shaw: ‘’Travel issues or whatever, he’s not here. ... So we had to go without him.’’

Sinabi ni Shaw na ang isa sa pagpipilian niya sa parusang iaatang kay Lawson ay ang alisin siya sa starting lineup sa kanilang laro bukas kontra sa Milwaukee.

Pinamunuan ni Lawson ang koponan sa scoring (16.9) at assists (10.1).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang kanyang pagkawala ay nangyari isang araw bago ang trade deadline, kung saan ay ilang Denver players ang napabalitang mapapasama. Kasama na rito si guard Arron Afflalo, na nagsabing ‘di niya iiwan ang sahig, ‘’the circumstances are either playing in the NBA or playing in the NBA. I’ll be fine.’’