Tutukan ng Commission on Human Rights ang isinasagawang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang suspek na serial robber at rapist sa loob ng Hall of Justice ng Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Atty. Marc Titus Cebreros, titiyakin nilang walang whitewash sa imbestigasyon ng Philippine National Police (o ng National Bureau of Investigation.

Si Mark Soque, 29, ay napatay nang tangkain umano nitong agawin ang service firearms ni PO3 Juvy Jumuad, isa sa mga escort nito nang dalhin siya sa ikaapat na palapag na QC Hall of Justice upang isailalim sa inquest proceedings sa piskalya dakong 11:25 ng gabi.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20