Sunshine Cruz

HANGGA’T maaari ay ayaw nang magbigay ng komento ni Sunshine Cruz hinggil sa patutsada ngayon ng kampo ng dating asawa niyang si Cesar Montano. Ito ay may kinalaman sa isinampa niyang reklamo laban sa ama ng kanyang tatlong anak.

Sabi ni Sunshine, marami na ang tumawag sa kanya para lang makuha ang panig niya pero pinagbawalan daw siya ng kanyang abogado na magbigay ng komento.

“Tumawag pa nga sa akin ang The Buzz but my lawyer and I choose to settle this sa court na lang, Kuya Jimi. Kawawa naman ang mga kids sa nangyayari. Ang hirap kasi pinalaki ng iba riyan ang isyu na ito,” sabi ng aktres.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Nalaman kasi namin mula sa isang source na tinanggihan daw ni Sunshine ang balak daw sana ni Cesar na kausapin siya para matapos na ang isyu, kaya kinontak namin siya para hingan ng interview.

Sabi ng aktres, kung inisip lang daw sana muna ng dating asawa at hindi pinalaki ang isyu sa pamamagitan ng paghingi ng saklolo sa mga kaibigan nito ay papayag siyang makipag-usap at makipag-ayos.

“His lawyer wants to settle things privately for the kids sake daw. Paano pa? Parang pinatunayan ko lang na totoo ang bintang nila na gawa-gawa lang ang issue dahil sa pera o sa properties. Pinapa-quiet ako ng lawyer kasi obvious na these people are provoking me,” banggit pa ng aktres.

Pinasinungalingan ni Sunshine ang mga lumabas na kesyo gumigimik lang siya para mapag-usapan.

“I never for once resorted sa gimik para lang mapag-usapan. At this point in my life ‘di ko yan kailangan lalo na at ang mga anak ko ang nadadamay. Diyos na lang at ang korte ang bahala sa kanila, tutal naman, eh, hindi marunong magsinungaling ang mga anak ko,” banggit pa ni Sunshine.

Napag-alaman din namin na may ilang buwang naghintay si Sunshine para maayos ni Cesar ang problema pero walang “move” na ginawa ang aktor. Kahit mensahe sa text ay walang natanggap si Sunshine at ang mga anak niya mula kay Cesar.

“Harapin na lang nila ito. Grabe naman kasi sila, paano ko maiisip na mag-imbento ng ganito. My kids and I don’t need this kind of issue in my life kaya nga patago kami nag-file,” banggit pa ng aktres.