Vin Abrenica & Yassi Pressman

NAGULAT kami nang makita namin ang Viva talent na si Yassi Pressman sa TV5 Wattpad presscon kamakailan dahil ang alam namin ay taga-GMA-7 siya.

Napaghahalatang hindi kami nanonood ng GMA-7 kasi hindi namin alam na matagal na palang wala si Yassi roon, he-he.

Inamin ni Yassi na sumama ang loob niya nang tanggalin siya sa Sunday All Stars.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Na-hurt talaga ako, kasi three years ko ring ginagawa ‘yun, nasanay na every Sunday nasa SAS ako at nagpe-perform. Pero ganu’n talaga, kailangan daw magbawas ng artist at isa ako sa nawala. Ipinaliwanag naman nila kung bakit kailangan magtanggal at naiintindihan ko naman. Kaya lang, nakakalungkot talaga, kasi hahanap-hanapin din ng katawan mo ‘yung ganu’ng routine every week,” pag-amin ng bida sa My Fiancé Since Birth episode ng Wattpad kasama si Vin Abrenica.

Perfect timing daw ang offer ng TV5.

“Thankful na rin ako sa nangyari kasi parang nagkaroon ako ng bagong mundo. Kumbaga, nagagawa kong makapag-guest at makasayaw sa ibang TV networks, like ABS-CBN at TV5. Nakakagawa na ako ng proyekto sa ibang TV networks. 

“Like, dito sa TV5, nakadalawa na ako sa Wattpad at ang latest, ‘yung My Fiancé Since Birth. Kaya nga thankful ako sa TV5 sa pagkakataong makapagtrabaho ako sa kanilang network,” kuwento ng dalaga.

Kumusta ang working relationship nila ni Vin?

“Actually, hindi pa kami nagti-taping, pero I know magiging okey ‘yung trabaho dahil kilala ko na siya at nakasama na naming mag-Enchanted Kingdom. 

“Bale isinama siya ng kuya niya, si Aljur (Abrenica) nu’ng mag-bonding kami doon nina Kylie (Padilla) at iba pa naming kaibigan. Kasama namin siyang nag-rides at namasyal, kaya naman wala nang ilangan kasi nakasama ko na siya.”

Paano kung ma-link siya kay Vin?

“Naku, malabo yun! Although I’m single, alam naman natin na may Sophie Albert siya. Taken na siya. Kaibigan siguro puwede pa, pero ‘yung i-link kami, parang hindi yata tama,” mabilis na sangga ni Yassi.

Wala pa ring kapalit ang ex-boyfriend ni Yassi na si Sef Cadayona.

“Siguro choice ko na maging single muna sa ngayon. Masyadong marami kasi akong ginagawa. Sunud-sunod kasi ang projects ko sa Viva kaya hindi ko nabibigyan ng oras ‘yung tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend. Pero marami silang nagpaparamdam, pero ayoko pa muna.”

Fine.