Sasambulat ang ikatlong taon ng Philippine Super Liga, ang natatanging club volleyball league sa bansa, ngayong Marso 21 na tampok ang prestihiyosong 1st Conference ng All-Filipino Cup alinman sa lugar ng Cuneta Astrodome sa Pasay City o Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sinabi ni PSL president Ramon “Tatz” Suzara na bahagyang iniusog ang pagbubukas ng torneo, mula sa orihinal na Marso 8, upang bigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na koponan na mapaghandaan ang una sa tatlong gaganaping kumperensiya ngayong taon.

“We want to give the teams some time to practice with their rookies which they will pick in our second drafting,” sinabi ni Suzara.

“We will have a total of three tournaments this year, including the battle of champions which will run for just a week,” sabi pa nito.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Isasagawa naman ang ikalawang drafting ng liga ngayong Pebrero 25 sa Cuneta Astrodome kung saan ay kabuuang 25 manlalaro ang posibleng mapili ng 10 kalahok na koponan na binubuo ng regular at Grand Prix champion na Petron Blaze, Generika, RC Cola-Air Force, Cignal HD, Mane ‘N Tail (Pocari Sweat) at Foton.

Apat na koponan ang inaasahang madadagdag sa liga na iniulat na bubuuin ng Philip Sardines at Puregold. Hindi pa naman kumpirmado kung ano ang bibitbitin na pangalan ng dalawang natitirang koponan.

Magkakaroon din ng out-of-town ang liga sa serye nito sa Spike On Tour na kabilang ang gaganaping laro sa Tayabas, Quezon sa Abril 11.