Charlene & Aga

Aga, handa na sa comeback movie

MAG-AALAS SINGKO ng hapon noong Huwebes, Pebrero 12, nang mag-post si Aga Muhlach sa kanyang Facebook account ng, “Question: Where can I buy turkey bacon?  My wife (Charlene Gonzales-Muhlach) wants it so bad!!! Thanks... thanks help pls!”

Nang mabasa namin ito ni Bossing DMB ay iisa kaagad ang inisip namin, ‘naglilihi’ si Charlene?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero kinontra namin kaagad dahil natatandaan namin na nu’ng huling makatsikahan namin ang magandang misis ni Aga ay nasabi niyang kuntento na silang mag-asawa sa kambal nilang sina Atasha at Andres na maglalabinlimang taon na ngayong taon.

Maging ang ina ni Charlene na si Mommy Elvie Gonzales ay kuntento na rin sa mga apo na sa kanya ipinagkakatiwala kapag lumalabas ng bansa ang mag-asawang Aga at Charlene, tulad nitong nakaraang ilang buwan na tumira sila sa bahay nila sa US.

Trending kaagad ang katanungang ito ni Aga dahil agad na sumagot ang mga kaibigan nila, taga-showbiz man o hindi, naririto sa ‘Pinas o nasa ibang bansa, kung saan-saang lugar ito mabibili. At dahil balita ito kung buntis nga si Charlene ay kaagad tinanong ni Bossing DMB si Aga: “Utol, masusundan na ba?” na kaagad namang sinagot ng mister ni Charlene ng, “Dindo Balares, ha-ha-ha-ha.”

Hindi malinaw ang kasagutang ito ni Aga kaya pati kami ay tumawag na rin kay Charlene, pero hindi naman nito sinasagot ang cell phone. Maging si Mommy Elvie ay dedma sa tanong namin. 

Hanggang sa naturang FB thread din sumagot si Charlene na wala raw silang mabili kaya susubukan nila kinabukasan.

Nagkomento rin ang The Voice of the Philippines coach/judge na si Ms Lea Salonga ng, “Why has all the turkey bacon disappeared? And PREGNANT???”

Kaagad sumagot si Charlene Mae (pangalan ni Charlene sa FB account niya): “No, I’m not pregnant :-) been looking for it since we got back because that’s what I’ve been having for breakfast in the States, eating right has been part of our gym training :-) he-he-he.  When I have turkey bacon, don’t feel like I’m dieting, super yummy. My trainer in the States said turkey bacon could be part of your diet in the morning :-) music to my ears, he-he-he.”

At ang nakakatawang dagdag ni Aga: “I’m pregnant, I just gave birth, flat tummy again, naaaaks, choz!”

Hayan, maliwanag na hindi buntis si Charlene, Bossing DMB, masyado lang tayong malisyoso at si Aga ay flat tummy na, at ito ang good news! Tiyak na handang-handa na siya sa comeback movie niya sa Star Cinema kasama si Ms. Lea.

Hmmm, ito ba ang biggest challenge ni ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio na maging physically fit and sexy sina Aga at Sharon Cuneta bago sila muling humarap sa camera?

In fairness, tagumpay ang challenge na ito ni Ma’am Charo, huh!