Oo, maaari kang yumaman kung kumintal sa iyo ang tinalakay natin nitong nagdaang dalawang araw. Sinabi natin na kailangang ituwid ang ilang pagkakamali sa iyong relasyon sa pananalapi upang masimulan mo ang pagtahak sa landas patungo sa pagyaman. Nailahad na sa nagdaang dalawang araw na (1) kailangang bayaran mo ang lahat ng iyong pagkakautang, lalo na sa credit card; at (2) hindi solusyon ang pagsha-shopping sa mall sa iyong kalungkutan o anumang emosyon na mag-uudyok sa iyong gumastos nang malaki kung kaya dapat mong pigilan ang iyong sarili sa paglulustay.

Narito ang huling bahagi at makapulutan mo nawa ito ng aral…

  • Hindi masaya ang pagtitipid. – Okay, nauunawaan mo na ngayon ang iyong relasyon sa salapi; at ikino-commit mo na ang iyong sarili sa pagbabayad ng lahat ng iyong pagkakautang, pati na sa credit card sa mga “five-six”, at hindi ka na gaanong nagpupunta sa mall para mag-shopping sa layuning gamutin ang iyong kalungkutan, at sinimulan mo nang mag-impok sa bangko dahil may natipid ka nang pera. Ngunit sa prosesong ito, parang hindi ka masaya sa pagtitipid. Pinagkakaitan mo na kasi ang iyong sarili ng mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Nangyayari rin ito sa mga nagda-diet na pinagkakaitan ang kanilang sarili ng kanilang paboritong pagkain sa loob ng maraming buwan at kalaunang bumibigay sa pagbangon sa hatinggabi at nagbubukas ng refrigerators saka lalantakan ang natirang pagkain kahit naninigas na ang mga ito sa lamig.

    National

    ‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Hindi iyon ang pamumuhay na gusto mo. Okay lang ang magtipid ngunit hindi ang pagkaitan ang iyong sarili sa maraming bagay. Kaya mahalaga ang mag-budget. Magtakda ng sapat na halaga para sa pag-iimpok na hindi naman makapipinsala sa iyong mga hilig.

Walang makapipigil sa nais mong gawin sa iyong salapi ngunit tiyakin mo lang na mayroon kang itinatabi para sa iyong kinabukasan. Hindi masama ang maglustay – kung kaya naman ng iyong kinikita. Ngunit kung nais mong yumaman, ang mapabilang sa mga taong hindi pinoproblema ang pera, disiplina lamang ang maghahatid sa iyo sa estadong iyon pagdating ng panahon.