Sumuko kahapon ang pangunahing suspek sa pagpapasabog ng granada sa loob ng isang himpilan ng pulisya na ikinamatay ng hepe at deputy nito at ikinasugat ng isang estudyante sa Barangay Poblacion, Cabanglasan, Bukidnon noong Martes.

Boluntaryong sumuko kay Cabanglasan Mayor Reynante Inocando si PO1 Godores Cairo, na naghagis ng dalawang granada sa himpilan ng Cabanglasan Municipal Police makaraang disarmahan dahil nagpositibo sa drug test.

Inihayag ni Bukidnon Provincial Police Office (BPPO) Spokesperson Insp. Jiselle Longgakit na sumuko ang suspek makaraang hagisan ng granada ang presinto na ikinamatay nina Senior Insp. Crisanto Molina, hep eng Cabanglasan Police; at Insp. Dexter Garcia, deputy commander ng nasabing himpilan.

Nasa pagamutan pa ang nasugatang si Mariel Dave Alsola, isang working student.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nahaharap sa kasong double murder at frustrated murder si Cairo na una nang sinampahan ng kasong administratibo.