Walang iba kundi ang top government sports official sa bansa ang magsisilbing special guest speaker ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa gaganaping Annual Awards Night na co-presented ng MILO at San Miguel Corp. sa Pebrero 16 sa 1Esplanade sa Pasay City.

Ilalahad ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia sa local sports community ang top achievers ng 2014 na pararangalan ng pinakamatandang media organization sa bansa sa nasabing formal rite.

Ito ang magmamarka sa unang pagkakataon na si Garcia ang magiging keynote speaker sa taunang okasyon simula nang pangalanan ito upang maging pinuno ng government sports agency sa bansa noong 2010.

Dating national golfer at PSC commissioner, nagsilbi rin si Garcia bilang Chef De Mission ng Philippine delegation na sumabak sa Asian Games sa Incheon, South Korea, kung saan ang nag-iisang gintong medalya ay napasakamay ni BMX rider Daniel Caluag, na gagawaran naman ng prestihiyosong Athlete of the Year sa nasabing event na kaakibat ng Meralco, Smart, at MVP Sports Foundation bilang principal sponsors at Philippine Sports Commission bilang major sponsor.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inaasahan si Garcia, sa ngayon ay kinukonsiderang nagsilbi ng matagal sa PSC bilang chairman, na nasa forefront sa pagpaparangal sa mga personalidad at entities na nagbigay ng malaking kontribusyon sa Philippine sports noong nakaraang taon.

Maliban kay Caluag, bibigyan din ng awards sa nasabing event na suportado ng Globalport, El Jose Catering, PCSO, Rain or Shine, PBA, Maynilad, Accel, ICTSI, PAGCOR, National University, at Air21 ang NU Bulldogs (President’s Award), Hans Sy (Executive of the Year), MVP Sports Foundation Inc. (Sports Patron of the Year), the 1973 Philippine men’s basketball team (Lifetime Achievement Award), Tim Cone (Excellence in Basketball), Mitsubishi (Hall of Fame), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo), at Princess Superal at Tony Lascuna (Golfers of the Year).

Samantala, ang major Awards, ay ipagkakaloob kina Donnie Nietes, San Mig Coffee team, Gabriel Luis Moreno, Michael Christian Martinez, San Beda Red Lions, June Mar Fajardo, Kiefer Ravena, Mark Galedo, Daniella Uy, Mikee Charlene Suede, Jessie Aligaga, Jean Claude Saclag, Philippine dragon boat team, Philippine poomsae team (male over 30), Philippine poomsae team (freestyle), Kid Molave, at Jonathan Hernandez.

Tatanggap naman ng citations ang 3x3 men’s cage team sa Fiba 3x3 World Tour Finals, NU Lady Bulldogs, San Beda Red Cubs, Anita Koykka, Maybelline Masuda, Annie Ramirez, Geylord Coveta, the Philippine Taekwondo team (male under-30), Francis Aaron Agojo, at ang PH taekwondo team na kinabibilangan nina Jeordan Dominguez, Juvenile Faye Crisostomo, Jaylord Seridon, Joe Vanni Colega, Rodolfo Reyes Jr., McAvyngyr Alob, Clement Tsulong Tan, Elisabella Cesista, Leanarda Nicole Landrito, Rinna Babanto, Jocel Lyn Ninobla, at Janna Dominique Oliva.

Kukumpleto sa listahan na pagkakalooban ng citations ay sina Kenneth San Andres, Peter Gabriel Magnaye and Paul Vivas, August Benedicto, Claire Adorna, Bong Lopez, Philippine Basketball Marathon, University of the East juniors volleyball team, Adamson women’s softball team, Saturday Afternoon Gentlemen Sailors, Pagpupugay, Philippine Collegiate Champions League, Accel, Unilab Active Health, at The Junior Golfers League.