MASAYANG-MASAYA at tila nasa langit ang mag-asawang Beverley Mitchell at Michael Cameron sa pagsalubong sa ikalawa nilang anak na pinangalanang Hutton Michael Cameron.

Ibinahagi ng proud mom ang unang litrato ng kanyang bagong silang na anak sa Instagram noong Martes.

“Kenzie is proud to announce the arrival of her sweet baby brother, Hutton!” pahayag ng 7th Heaven alum, 34, kasama ang matamis na larawan ng panganay na anak na babae habang hinahalikan ang kanyang kapatid. “Thank you for all the love and well wishes!”

Matatandaan noong Setyembre nang ibalita ni Mitchell na paparating na ang kanilang ikalawang anak. “#tbt to the place where Michael asked me to marry him, and this past year where we stood as a family of three!” sulat niya sa isang WhoSay photo. “Can’t believe in 2015 we will be a family of 4!!!”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ikinasal sina Mitchell at Cameron noong 2008 at ipinanganak ang panganay nilang si Kenzie noong Abril 2013. Noong Pebrero, naging bukas si Mitchell sa usapin tungkol sa pagiging isang ina habang nagho-host sa Operation Shower event sa Riviera Country Club sa Pacific Palisades, California.

“[It’s] definitely a trip. It’s the best thing I’ve ever done! It’s amazing how your life gets shifted,” aniya. “You think you’ve got life figured out and you’ve got a great perspective, you have a child and then you’re like, ‘Okay, none of that stuff matters!’” Nagdagdag pa siya ng mga kinahihiligan ni Kenzie: “She loves music! She loves to dance! She loves to boogie.”

Maraming makakalaro ang mga anak ni Mitchell, kasama ang panganay na anak nina “Uncle Justin” Timberlake at asawang si Jessica Biel, na dati nitong kasama sa 7th Heaven. Isa pang malapit na kaibigan at kasama rin sa 7th Heaven na si Haylie Duff ay nalalapit na ring isilang ang kanilang anak ng fiancé na si Matt Rosenberg.