NAKAKAALIW panoorin ang batuhan ng linya nina Vice Ganda at Angelica Panganiban tungkol sa love life ng huli nang mag-guest ito sa Gandang Gabi, Vice nitong nakaraang Linggo.

Angelica PanganibanHindi pa rin maubos-maisip ng bidang aktres sa The Thing Called Tadhana kung baka nga raw siya ang naging dahilan ng break-up nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Incidentally, guest din sa naturang episode si John Prats, ang ex-boyfriend ni Shaina, na may kinimkim ding sama ng loob nang malaman ang ‘di inakalang pagkakaroon ng relasyon nina John Lloyd at Shaina (na sinasabing girlfriend pa ng una nang lumipat sa piling ng pangalawa).

Kaya sabi ni Angelica, hindi siya makahanap ng tamang sasabihin noong nagdi-date na sila ni Lloydie.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Di ko talaga alam kung paano ko sasabihin sa kanya kasi bina-bash kaya namin dati si Lloydie ‘tsaka si Shaina,” sey ng dalaga.

At pinayuhan pa pala niya si John on how to move-on (parang istorya ng That Thing Called Tadhana), para madaling makalimot kay Shaina.

“Sinasabi ko talaga, ‘ano ka ba, kaya mo ‘yan, isipin mo hindi sila bagay, maghihiwalay din sila.’ Ako pala magiging dahilan,” sabay tawa nina Angelica at Vice.

Tuloy, diretsahan siyang tinanong ni Vice kung siya ba talaga ang dahilan ng split-up nina Lloydie at Shana.

Saglit munang nag-isip si Angelica bago sinabing, “Feeling ko...” na ikinaaliw ng lahat ng mga manonood.

Kinabog ni Angelica si Vice sa kanyang pagiging candid at frank answers.

Lalo na nang sabihin ni Angelica na, “In fairness, ‘no, si Shaina ano kaya nararamdaman, best friend ko (si John), ‘tapos dyowa niya dati... (‘tapos) ako ang nagwagi,” waging-wagi ngang biro pa ni Angelica.