Toni Gonzaga

NGAYON lang nakakaramdam ng pagkabalisa o anxieties si Toni Gonzaga, pagkatapos ipaalam sa publiko na ‘engaged-to-be-married’ na sila ni Direk Paul Soriano, two Sundays ago sa The Buzz.

Nabubulahaw day siya minsan maging sa pagtulog.

“Ganon pala ‘yun. Kapag kayo pa lang ang nakakaalam, talagang nache-cherish mo ‘yung moment, tahimik lang. Pero nu’ng na-announce ko na because I want to be honest to everybody… hindi na ‘ko nakatulog. Ngayon parang ‘di tama ‘yung mga tulog ko. Apat na oras, tatlong oras, ang dami ko nang iniisip. ‘Tsaka agad nag-sink in nung sinabi ko na,” nakakatuwang kuwento niya sa The Buzz last Sunday.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Tameme rin si Toni kung anong petsa magaganap ang kasal nila ni Paul. Ang kanyang fiancé raw ang hinihintay niyang mag-announce gaya ng ginawa nito sa engagement announcement nila.

“Definitely, I cannot keep all the details for very long. Eventually malalaman din naman lahat pero just in the right time lang siguro. Let’s take it one step at a time,” pakiusap ng TV host-actress.

Tinanong si Toni kung hands-on ba siya sa pag-aasikaso sa preparasyon ng wedding-of-the-year?

“Hands down, hands up, lahat ng hands, go! Pati feet, go!” pabirong sagot niya.

Nakakatawang magkuwento si Toni about their wedding. Kung saang parte ng seremonyas siya excited?

“Siyempre aside from the vows, you may now kiss the bride,” sabay tawa.

Sinabi rin niya na pinapangarap niyang parte ang paglalakad patungong altar, kapag itu-turn-over na siya ni Daddy Bonoy Gonzaga kay Paul.

“Kasi I read this somewhere, ‘yung symbolic talaga ‘yung paglalakad ng bride sa aisle, with mom and dad kasi it symbolizes your journey and towards the end of the altar ‘yun ang makakatuluyan mo. Parang sa hinaba-haba ng pinagdaanan mo sa buhay, ‘yung lalaking nasa dulo ‘yun ang para sa ‘yo.”

Pero higit sa kanya, ang hinihintay niyang mangyari ay ang pagiging emosyonal ng groom-to-be sa araw ng kanilang kasal

“Tingin ko iiyak siya. Tingin ko iiyak siya, maglulupasay si Alex. Ay baka ‘yun din, hagulgol rin sila (Mommy Pinty). Super (si Daddy) kasi nu’ng proposal pa lang iyak na siya nang iyak,” nakakatuwang pahayag pa ni Toni.