BEIJING (AP) – Sinabi ng China na nakatuklas ito ng mahigit 100-billion cubic meters ng natural gas sa pinag-aagawang South China Sea.

Ang natural gas ay nadiskubre sa Lingshui 17-2 gas field, 150 kilometro sa timog ng isla ng Hainan sa dulong timog ng China.

Sinabi ng Xinhua News Agency na inaprubahan ito ng Ministry of Land and Resources bilang isang large-scale gas field. Tinukoy nito ang main offshore oil at gas producer ng bansa, ang China National Offshore Oil Corp.

Sinabi ni Xizhou Zhou, senior director at pinuno ng China para sa Energy, na ang 100 billion cubic meters ay “decent amount but not that substantial.” Idinagdag na katumbas ito ng anim hanggang pitong buwang gas supply para sa China.
National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'