CAMP JUAN, Ilocos Norte – Bangkay na nang matagpuan ang isang barangay kagawad na sinasabing nagpakamatay sa bulubunduking bahagi ng Barangay Tartarabang sa Pinili, Ilocos Norte noong Lunes.

Kinilala ni Senior Insp. Artemio Clemente, hepe ng Pinili Police, ang pinaniniwalaang nagpatiwakal na si Wilfredo Fagaragan, 51, kagawad ng Bgy. Tartarabang.

Ang manugang na lalaki ni Fagaragan ang nakatagpo sa kanyang bangkay na nakabigti ng goma. Bago natagpuang bangkay, umakyat sa bundok ang kagawad para hanapin ang nawawala niyang baka.

Ayon kay Clemente, kumbinsido ang mga kaanak ni Fagaragan na walang foul play sa pagkamatay nito, dahil ang kagawad ay dumadanas ng depression at malubha na ang sakit sa tiyan.
National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga