WALANG humpay na mga makapigil-hiningang tagpo at walang patid na rambulan at labanan ang hatid ng pinakamalaki at pinakabonggang teen adventure/horror movie ng taon, ang Liwanag sa Dilim mula sa APT Entertainment, Inc.

Sa unang pagkakataon, masasaksihan ang love team nina Jake Vargas at Bea Binene sa kakaibang konsepto ng pelikula na malayung-malayo sa mga pa-sweet at pa-cute na mga movies at TV shows na kanilang pinagsamahan. Kumbaga, isa itong malaking hakbang tungo sa mas malaking challenges at pagle-level up sa career para sa tinanghal na Yahoo Celebrity Couple of 2014 ang hatid ng movie.

Kasama nina Jake at Bea sina Igi Boy Flores at Sarah Lahbati na napasabak din sa non-stop adventures na ikagigitla at ikasisindak ng manonood!

Ayon kay Direk Richard Sommes, saktung-sakto si Jake sa kanyang role bilang isang pasaway na teenager na walang pakialam sa kanyang responsibilidad. Perfect and beautiful naman ang deskripsyon kina Bea at Sarah habang si Igi Boy naman ay umakma sa role niyang nerd na natural na natural ang husay sa pagbibitiw ng punchlines.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“They are also fresh and exciting faces sa screen. This is a coming of age movie na matagal ko nang gustong gawin in the tradition of foreign films like Stand By Me. Gusto kong ihatid na as teenager or young adult, they each have responsibilities sa mundo nilang ginagalawan,” katwiran ni Direk Richard

Sa movie, dahil sa pagiging likas na pagiging adbenturero ng mga kabataan ngayon, nakatuklas sila ng isang malaking sikreto. Ginamit nila ang social media sa misteryong ‘yon pero sila rin ang naging biktima ng kanilang kakulitan. Magsisilbi ring warning ang movie sa kabataan na alipin ng social media na hindi lahat ng nakikita ay dapat ilantad sa makabagong sistema ng pagpapalabas ng impormasyon!

Pero in fairness, nang i-upload sa social media ang trailer ng Liwanag sa Dilim ay positibung-positibo ang komento hindi lang sa napanood nila kundi maging sa mga main stars ng movie.

“Ang ganda ng cinematography! Nakaka-involved ang movie at ang cast, nakakapanibago man ang dating nina Jake at Bea, convincing sila sa kanilang portrayals bilang teenagers, very current ang porma at galaw!” saad ng isang netizen.

“Ang ganda-ganda pa rin ni Sarah! Ibang-iba ang aura niya ngayon and yet, na-maintain niya ang innocent looks and sexy body despite her baby Zion. Na-miss na namin siya sa screen kaya hindi namin palalampasin ang comeback movie niyang ito!” komento naman ng isang netizen.

“Pasok na pasok naman ang theme song at title ng movie na Liwanag sa Dilim. Nakakatuwa rin dahil isa sa cast ang kumanta na si Rico Blanco. Nakaka-LSS (last song syndrome) ang effect ng kanta sa akin. Panalung-panalo sa theme song pa lang ang movie!” sabi naman ng isang netizen.

Of course, hindi lang ang fresh faces, non-stop thrills ang hatid ng Liwanag sa Dilim. Fabulous din ang special effects na matutunghayan sa buong pelikula lalo na ang labanang Jake, Bea at Igo Boy versus Sarah!

Sasambulat na ngayong Pebrero 11 ang Liwanag sa Dilim mula sa APT Entertainment, Inc. na naghatid ng award-winning films sa publiko gaya ng Ded Na Si Lolo at The Janitor.