Blake Griffin

OKLAHOMA CITY (AP)– Hindi muna makapaglalaro si Blake Griffin at walang katiyakan kung kailan siya makababalik dahil sa staph infection sa kanyang kanang siko, dahilan upang maiwan ang Clippers na wala ang kanilang All-Star forward habang nakikipaglaban para sa pagpuwesto sa playoffs.

Nagkaroon sila ng mahirap na pagsisimula sa kanyang pagkawala noong Linggo, at nalasap ang 131-108 na pagkatalo sa kamay ng Thunder sa kanilang pinaka-lopsided na pagkabigo sa season.

‘’It’s tough,’’ sambit ni Chris Paul. ‘’Tough loss, tough losing Blake. We’ll try to regroup and be ready for the next one.’’

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Sasailalim sa surgery si Griffin ngayong araw sa Los Angeles at dadaan sa re-evaluation matapos ang All-Star break.

Sinabi ni coach Doc Rivers, nang kanyang malaman na mawawala si Griffin, siya ay “three things around the room.”

‘’Obviously, I’m more concerned about him than anybody else,’’ dagdag niya. ‘’Because infections are no joke.’’

Si Griffin ay may averages na 22.5 puntos, 7.5 rebounds at 5.1 assists habang may 50.1 porsiyento naman sa shooting. Siya ay ikatlo sa MVP balloting ng liga noong nakaraang taon. Ayon kay Rivers, kakailanganin ng collective effort upang mapunan ang kanyang kontribusyon.

‘’I can’t expect Chris to go out and get 40 a night,’’ ani Rivers. ‘’Our key other guys all have to play well. It can’t be one guy.’’

Ang Portland Trail Blazers guard na si Damian Lillard ang hahalili sa roster spot ni Griffin sa All-Star game sa New York. Si West coach Steve Kerr ng Golden State Warriors ang pipili kung sino naman ang papalit kay Griffin sa starting lineup.

Sa pagkawala ng presensiya ni Griffin sa loob, na-out-rebounded ng Thunder ang Clippers, 54-29.

‘’They killed us, and we’ve got to be better,’’ sabi ni Rivers.

Si Spencer Hawes ang humalili kay Griffin bilang starter, bagamat sinabi ni Rivers na maaari siyang mag-adjust depende sa magiging matchups. Naitabla ni Hawes ang kanyang season-high na 17 puntos kontra sa Thunder, ang lahat ay sa first half.

“‘We have to do different things with Spencer,’’ giit ni Rivers. ‘’Spencer can’t move the way Blake can move. Honestly, we didn’t have time to do anything about it today. I found out yesterday evening.’’

Wala rin ang guard na si J.J. Redick para sa Clippers dahil sa back spasms. Inilabas naman ang forward na si Glen Davis sa laro sa second quarter dahil din sa back spasms.

‘’Everybody has to step up,’’ binanggit ni Hawes. ‘’It’s on all of us. Guys are dropping like flies, it seems. We’ve all got to do our jobs better.’’