NOBODY’S PERFECT ● Walang perpektong leader – ito ang binigyang diin ni Fr. Dexter Toledo, executive secretary ng Association of the Major Religious Superior of the Philippines (AMRSP) kasabay ng kanyang apela sa publiko na maging mahinahon sa mga sumusunod na pangyayari bunsod ng Mamasapano clash. Hindi solusyon ang pagpapairal ng galit at pagtuturuan ng mga opisyal ng pamahalaan, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa mga responsable sa pagkamatay ng Fallen 44 ng PNP-SAF sa gitna ng pagdadalamhati ng buong bansa.

Sinabi ni Toledo na batid nila ang mga panawagan sa pamahalaan ngunit inaming wala namang perpektong pinuno at lahat ay maaaring magkamali. “Wala po talagang perpekto, lahat ay nagkakamali ngunit kung may pagkakamali man kailangan itama natin ani Toledo sa panayam ng Radio Veritas. Lahat tayo ay hinihimok na maging instrumento ng kapayapaan. Hindi pa huli ang lahat para sa ating mga leader. Ang tanging magagawa na lang natin ay ang umasa na maitutuwid din ang mga pagkakamali habang umaabante tayo bilang isang bansa.

***

PERA-PERA LANG ‘YAN ● May umugong na balita na matutuloy ang bakbakang Pacquiao at Mayweather kung aalukin sila ng tig-$100 milyon. Sinabi ni Don King – ang tanyag na promoter ng ex-world heavyweight champion Muhammad Ali – na siya ang makikipagnegosasyon, bibigyan niya ng tig-$100 milyon sina WBC at WBA champion Floyd Mayweather Jr. at WBO titlist Manny Pacquiao para sa welterweight unification megabout. Marahil ito ang pagkakamali ng mga promoter nina Pacquiao at Mayweather kung kaya nahihirapan silang magkasundo para matuloy ang sagupaang pinakahihintay ng boxing fans sa buong mundo – naghihintay sila ng mas malaking halaga na kanilang mapapanalunan. “If I am in charge of the negotiations, Floyd Mayweather Jr. vs. Manny Pacquiao would have been finalized,” sabi ni King sa mga reporter. “There was some big mistakes made during the ongoing discussions that I could easily have settled.” Nawawala na ang ningning ng Pacquiao-Mayweather Megabout dahil sa tagal at nawawala na ng gana ang fans na naghihintay sa kanilang pagsasagupa.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga