Andie and Ellie

KAILANGAN sigurong magsalita ni Andi Eigenmann kung sino ang tunay na ama ng anak niyang si Ellie dahil nagsalita na ang kanyang ex-boyfriend na itinuturo niyang ama ng bata, si Albie Casiño.

 Sa interview sa aktor para sa programa ng TV5 na Wattpad Presents: A House Full of Hunks, ang kanyang sabi, “If you have a secret, you can’t keep it hidden forever. There was always me and Jake Ejercito. There was always the two of us. I don’t know why everyone thinks it was me. There is no concrete evidence. She just said it was me. She never gave me a DNA test. I don’t know why people automatically assume it was me.” 

Nabanggit din ng aktor na hindi na pala itinuloy ang DNA testing nila ni Ellie dahil time consuming daw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

 Sa pagkakatanda namin ay parang ang kampo ni Andi ang umurong sa DNA testing noon dahil nabanggit ni Andi na kung ayaw tanggapin ni Albie ang anak ay mag-isa niya itong palalakihin.

 At dahil dito ay nagprisinta na ang isang online blogger na willing siyang sagutin ang gastos sa paternity test sa halagang P23,000 sa kilalang diagnostic center para lang matapos na ang mga haka-haka kung sino talaga ang ama ni Ellie.

 At ngayon ay iisa ang tanong ng mga sumusubaybay sa isyung ito, sino ang tunay na ama ni Ellie at bakit ayaw lumantad ni Andi sa gitna ng isyung ito?

Point of view ng female showbiz columnist na may anak, “Ang ina lang ng bata ang nakakaalam kung sino ang tunay na ama ng anak niya. Sinasabi ni Andi na si Albie, eh, di sure siya na si Albie, huwag nating kuwestiyunin ang sinasabi niya kasi ina siya, alam niya kung sino.” 

Katwiran naman ng isa ring babaeng kolumnista na may mga anak na rin, “Bakit parang walang amor si Albie kay Ellie? Kasi kung ganu’n kaganda ang anak mo, siyempre may lukso ng dugo na mararamdaman si Albie pero parang wala lang, sana nga magsalita na si Andi kasi kawawa rin naman si Albie, hanggang ngayon ‘yun pa rin ang isyu sa kanya.”

Sigaw ng netizens, bakit on and off ang relasyon nina Andi at Jake Ejercito? Bakit maski na nambabae na to the max ang binata at nasaktan nang todo ang aktres ay nagbabalikan pa rin sila? Dahil daw ba may nagbibigkis sa kanilang dalawa?

 Sabi nga ni Andi, “Four years isn’t a joke. There’s no harm in being human enough to not throw it all away and learn to be friends.”

Bagamat hindi naman kinumpirma ng aktres na officially nagkabalikan na ulit sila ni Jake ay iisa ang ibig sabihin, okay na sila. 

Bukod dito ay maraming beses nang nag-post sina Andi at Jake na ipinapasyal nila si Ellie at feeling daddy ang huli sa bata. At kung matatandaan, nu’ng buntis ang aktres ay si Jake ang kasa-kasama niya sa hirap at ginhawa. 

Komento ng writer ng isang TV network, “Baka nagkahiyaan na lang sina Andi at Jake kaya hindi sila umaamin, kasi mega-deny sila before plus baka may pumipigil din. Hintayin na lang natin.”

 Sabagay, sabi nga ni Albie, “if you have a secret, you can’t hide it forever.”

Oh well, ano ba talaga Andi Girl?