Sa kabila ng kampanya ng gobyerno laban sa human immunodeficiency virus (HIV), sinabi ng Department of Health (DOH) na ang mga bagong kaso ng kinatatakutang sakit ay umakyat sa 6,011 noong 2014.

Ang bilang na ito ay mas mataas kumpara sa 4,814 bagong kasong naitala noong 2013 at 3,338 kaso noong 2012.

Ayon sa huling data mula sa Philippine HIV and AIDS Registry ng DOH-National Epidemiology Center, ang 5,468 kaso noong nakaraang taon ay asymptomatic—o nasa panahon na ang nahawaang pasyente ay hindi pa nagpapakita ng anumang kapansin-pansing sintomas.

Ang nalalabing 543 kaso ay nahulog na sa acquired immune deficiency syndrome (AIDS) o ang stage kung kailan ang isang pasyente ng HIV ay nakararanas na ng ibang impeksiyon dahil sa humihinang immune system.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Karamihan sa mga nahawaang pasyente ay mga lalaki na nasa edad 20 hanggang 29.

Ang pakikipagtalik ang nananatiling pangunahing sahi ng pagkahawa o dominant mode of transmission, na kumakatawan sa 5,649 ng rehistradong bagong kaso ng HIV.