CABANTUAN CITY— Tatlumpu’t-limang police station commanders sa Central Luzon na kumakatawan sa 27 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga hepe ng pulisya sa Police Regional Office 3 ang mare-relieve sa kanilang puwesto sa susunod na mga araw, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Chief Supt. Ronald V. Santos, Deputy Regional Director for Administration at concurrent Officer-In-Charge ng PNP Regional Office (PRO3), matatanggal o ililipat ang mga hepe sa iba’t ibang kadahilanan, kabilang na ang “unsatisfactory performance” sa pagganap ng tungkulin.

Ayon kay Santos, may average na apat hanggang limang station commander ang mare-relieve mula sa mga probinsiya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Hindi muna pinangalanan ang mga hepeng mare-relieve dahil sa patuloy pa ang isinasagawang ‘performance audit’ sa kanilang hanay
National

Tawi-tawi, niyanig ng 4.4-magnitude na lindol