Paul Toni

SA exclusive interview ni Kris Aquino kay Toni Gonzaga, naikuwento ni Toni ang kanyang pangamba na sa sobrang higpit ng kanyang ama ay baka wala nang lalaking manligaw sa kanya at isa-isang magsilayo.

Ang wika naman daw ng ama sa kanya, kung sadyang mahal siya ng lalaki ay handa itong maghintay.

Sa pitong taong itinagal ng relasyon nila ni Paul Soriano ay nakita ni Toni ang maraming sakripisyo at wagas na pagmamahal na iniukol sa kanya ng binata. Iginalang at sinunod ni Direk Paul ang mga kagustuhah ng future in-laws niya. May pagkakataong hindi niya naitago ang hinampo niya kay Toni dahil lumalabas na sa mga prioridad nito sa buhay ay palagi siyang nasa hulihan.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

Pero walang tatalo sa naging susi sa kanilang relasyon, ang malawak na pang-unawa at ang Diyos na ginawa nilang sentro ng buhay nila.

Gaano niya kamahal si Toni?

“Siya ang babaeng gusto kong pakasalan, maging ina ng mga anak ko, the woman I want to spend the rest of my life. She is my biggest blessing,” sabi ni Paul.

Sa naging pahayag nina Paul at Toni para sa isa’t isa at tungkol sa kanilang engagement ay hindi napigilan ni (Ninang) Kris na mapaluha sa matinding tuwa at pasasalamatan na maging bahagi siya ng kanilang buhay at sa pagbabahagi sa The Buzz sa maituturing na pinakamagandang pangyayari sa kanilang buhay.